Ang sumusunod na pangyayari ay naganap sa pagitan ng 12:50 at 1:30 ng madaling araw.
Masaya kaming nag-iinternet ni Ate Marj. Nag-uusap kami tungkol sa mga Flairs ng Facebook nang biglang kumalampag ang aming seradura. Nasa ikatatlong palapag kami ng EDES dorm. Doble-sarado ang aming pintuan dahil bukod sa naka-kandado ang dalawang lock nito, nakatali pa ang lubid na nakakabit gate sa pakong nakalagay sa taas na palapag. May nakataling wind chime sa lubid upang magbigay babala sa mga tao sa itaas. Mataas ang laylayan ng lubid sa gate kung kaya't mahirap itong abutin. Kahit ako mismo na medyo may katangkaran ay kailangan pang tumiking para mahila ang lubid.
Nang marining namin ni Ate Marj ang tunog ng wind chime, inakala namin na isang dormer lamang ito na ginabi nang uwi. Tiningnan namin ang pintuan subalit wala kaming nakita. Sa halip, nakarinig kami ng mga mabibigat na yabag pababa ng hagdanan.
Nagising rin sina Ate Lea, Ate Lisa, at Karen. Ang ibig sabihin nun, malakas ang pagkakahila sa lubid sapagkat nakalikha ito ng matinding ingay na nakapagpagising sa kanila. Malamang ay may katangkaran ang humila ng lubid sapagkat ang laylayan nito ay humigit-kumulang 181 sentimetro mula sa sahig.
Sinabi ni Ate Lea na noong nakaraang linggo lamang ay nilooban ang pangalawang palapag ng EDES. Naisip namin na malamang ay mga magnanakaw ang kumalampag sa pintuan kung kaya't tumawag kami agad sa 911. Wala ni isang lumapit sa pintuan sa takot na baka bumalik ang magnanakaw na may dalang baril.
Dumating ang dalawang patrol car ng 911 pagkalipas ng limang minuto. Pagtapat na pagtapat pa lang nila sa EDES ay may tatlong kalalakihan na kumaripas ng takbo palayo sa gusali. Hinabol ng ito ng dalawang patrol cars. Pagbalik nila sa bahay, inanyayahan nila sina Ate Lea at Ate Marj na sumama sa 911.
EBIDENSYA!
May nakitang lalaking nakabughaw si Ate Lisa sa tabi ng tindahan nina Manang Lutchi. Payat siya at may katangkaran. Duda kami na siya ang suspek. Nilooban na ang 3rd floor ng EDES ilang taon na ang nakararaan nang isang lalaking pareho ang katangian sa nakita ni Ate Lisa kanina.
Sa ngayon ay doble pag-iingat na naman ang Liz-An Dormitory. Tuluyan na bang napigil ang masamang balak ng mga nagtangkang manloob? O baka ipagpapatuloy pa rin nila ang kanilang naudlot na plano? Dagdag points na naman ba ito sa Kapuso Network na siyang naunang makaalam sa balita? Magagamit na ba kaya ang katagang "Walang Iwanan sa B-Clan"? May enrollment fee bang makukulangan? May dugo bang dadanak? Ano ang susunod na mangyayari sa LOBO?
ABANGAN! :p
No comments:
Post a Comment