Ito ay isang supplemental reading sa post nina Karla at Telai ukol sa kontrobersyang kinasangkutan ni Bb. Janina San Miguel. Magtatagalog ako para maintindihan niya kung sakaling mapadpad siya sa blog na ito.
Mahal naming Janina,
Nais kong ipaabot ang aking panalangin na nawa'y hindi ka pa nadadantayan ng nagliliparang kamatis, kaserola, walis tambo, at diksyunaryo. Alam kong may angkin kang kagandahan, at lakas ng loob. LAKAS NG LOOB, MEHN! (GRABEH, HANEP, TODO EVER! OBVIOUS!) Ngunit, nasaan ka nang pakiusapan ka ni Allah/Yahweh/God na tanggapin ang utak na inaalok niya sayo? Bakit ka nagtago? Bakit ka ganyan?
Oo, alam naming iba ang kaba na nararamdaman mo, pero sana ininuman mo na lang yun ng diatabs. At hindi ka naman siguro tatamaan ng kidlat kung mananagalog ka diba? Inalok ka pa nga ni Paolo Bediones na itigil mo na ang iyong paghihirap at magsalita ka na lamang sa wikang nakasanayan mo.
Hindi namin binabalewala at minamaliit ang kakayahan mo bilang tao, ngunit sana man lang ay naisip mo ang iyong kurso sa kolehiyo at ang katotohanang (maaaring) nakatutok sa iyo ang sambayanang Pilipinas.
Ikinalulungkot kong sabihin na hindi nakatulong ang iyong mga halakhak at "I'm so sorry", hindi ka naman si PGMA eh. Iha, lagi mong iisipin, na ang wastong balalrila ay hindi sapilitan. Maari mong kausapin ng pa-slang ang aso mong ulol at ang hinihikang ipis sa tabi ng kama mo, pero huwag na huwag kang papalpak sa harap ng mga hurado (at sa lahat ng PIlipinong nakasaksi sa pagpapahiya mo sa iyong sarili sa publiko).
Lubos akong nanlulumo sa kontrobersyang nasasangkutan mo ngayon. Subalit, maari pa namang masolusyunan ang lahat. Naririyan ang mga pagpapalawak ng iyong talasalitaan. Manood ka ng SQUARE OFF o kaya, tulad ng sabi ni Karla, magbasa ka ng FAIRY TALES.
Ikaw ang kakatawan sa Pilipinas sa Miss World kaya umaasa kami na makakaya mong malampasan ang mga balakid sa iyong daraanan. Lagi mong pakatatandaan na hindi lamang iyong pangalan ang iyong dinadala. Bitbit mo rin ang watawat ng Pilipinas.
Huwag kang mawawalan ng pag-asa. Isipin mo na lang na laging nandiyan ang iyong PAMILY kahit hindi ka pa makapasok sa TUFF TEN.
No comments:
Post a Comment