Monday, September 29, 2008

Napaisip lang...


1998 ngayon. Dahil naka-full volume ang speakers sa super nakakabaog na mga kanta ni Aaron Carter.

Natatawa ako sa sarili ko dahil memoryado ko pa yung Crazy Little Party Girl, I'm Gonna Miss You Forever, at ang walang kamatayang I Have A Crush On You.

Idagdag niyo pa yung Ain't That Cute, I Will Be Yours, One Bad Apple, at Don't Go Girl. HAHAHA!

Natatawa ako kasi kinikilig ako. NOSTALGIA. Tumitindig na nga balahibo ko. HAHAHA!

Tandang-tanda ko pa, 9 years old ako nun. PATAY NA PATAY ako sa kanya kahit na bungal siya at parang inapakang pompom ang buhok niya. Para sa akin, siya ang pinaka-cute na batang lalake sa buong mundo. 

Isang taon ko siyang crush. Wala siyang kaagaw. Na-depress ako nung di ko napanood yung episode na nag-guest siya sa Kaybol at sa 'Sang Linggo nAPO Sila.  Nainggit ako kina Camille Pratts at iba pang ABS-CBN Kids. Nilalait-lait ko yung batang babae sa MV ng I've Got A Crush On You at ayoko ring panoorin yung MV nung I'm Gonna Miss You Forever kasi nagseselos ako.

Nangarap ako na sana blonde ang buhok ko. Hindi ko man lang isinaisip na hindi yun babagay sa kulay ko. Namigay ng tip ang pseudo-autistic kong kaklase na buhusan ko ng Agua Oxinada ang buhok ko para maging blonde. Kaya pagdating na pagdating ko sa bahay, hinalungkat ko ang lahat ng tokador, baul, at aparador. Mabuti na lang at wala akong nakita. Kung nagkataon pa, binalatan na ako ng buhay ng lola ko nun.

Naalala ko, hindi ako nakinig sa lesson ni Ma'am Manugkiang tungkol sa improper fractions dahil abalang-abala ako sa pagda-daydream. Siya rin ata ang dahilan kung bakit hanggang ngayon, nagkaka-crush ako sa mga kapareha niya ng hairstyle: ang hindi-bao-hindi-walis-hati-sa-gitna-hairdo.

Tapos, naisip ko bigla - ANAK NG MAGULANG! 19 na ako! isang taon na lang, dalawang dekada na ako sa mundo. Gawd. Ang tagal na pala nun? Ang tagaaaaaaaaaaaaaaaaal-tagal na! Ilang taon na ang lumipas. Marami na akong nakilala. Marami nang nagpaalam. Marami nang bago. Marami nang LUMA! Hindi na uso ang walkman. Hindi na "in" ang beeper. Hindi pa buntis si Britney. Hindi pa adik si Lindsay. Hindi pa pangit si Aaron. Wala pa si Jesse MCcartney - na sumikat dahil "kamukha niya si Aaron".

Shet.

Ambilis ng oras.

No comments: