Sunday, November 30, 2008

Minsan akong nagdasal...


Hi Sir Nap,


Adik ka man sir ui. Bakit pabigla-bigla ka? Gusto mo talaga kami sorpresahin noh? Wala ka man lang pasabi. Buanga jud nimo sir ui. Hindi ko rin maintindihan kung bakit ganito reaksyon ko. Napangiti ako nung makita ko yung Phillip Morris at yung green mong lighter pero lalong lumakas pa yung pagtulo ng luha ko. Buanga jud nimo sir ui. May chewing gum ako dito ngayon. Hindi ko to pinlano sir ha. Nagkataon lang. Kanina pa ako nakatayo dito pero naiiyak pa rin ako. Alam mo ba? Maraming nalungkot nung marinig ang balita. Kagigising ko lang nun. Balak kong matulog buong araw. Pero nung mabasa ko yung mga post sa Multiply, hindi ko na naintidihan kung bakit bigla na lang ako napahikbi. Naligo ako agad. Gusto ko hanapin ang mga kaklase ko. Kasi ayoko umiyak nang mag-isa. Wala pa gud akong gurong naiiyakan. Ikaw ang first time. Buanga jud oi. Haha. 

Grabe, tatlong araw na. Pero hindi pa rin ako makapaniwala. Diba nung isang araw nagkita pa tayo sa harap ng elevator?  As usual, pinatawa mo na naman kami. Ang hirap isipin na hindi ka na namin uli makakasalubong sa school. Hay, buanga jud ani ui. Ayaw pa rin talaga tumigil nung luha ko. Tulo-tulo na ang sipon ko nito mamaya. Tsk. San ka kaya ngayon sir? Nakikita mo ba ako? Andito ka lang siguro sa gilid-gilid. Nakangiti ka ba? O tumatawa? Kasi para akong timang dito na kanina pa umiiyak. Hindi mo siguro akalain na affected ako noh. Sige lang, pareho tayo. Yun yung nakakatawa, hindi naman tayo super-close pero eto. Tsk, tsk. Ano na lang siguro yung mga malapit sayo sir noh? Hindi ko kayang tantyahin yung nararamdaman nila ngayon. 

Haaay. Andami mong bulaklak sir o. Magaganda. Pero hindi mapapantayan ng bulaklak yung kagandahan ng kaluluwa mo. Alam mo ba sir, hindi ako umiyak nung defense dahil sa mga sinabi ng panel. Naiyak ako nung pinuri mo kami. Nung sinabi mo na kahit madalas kaming late magpass at kahit hindi kami naga-update sayo, proud ka sa amin. PROUD KA SA AMIN sir. O wala na, umiiyak na naman ako. Haay. Adik jud ka sir.

Sandali ka lang pero andami mong iniwan na alaala. Mga alaala ng "Korya", "Lundun", at "Tsayna". Hindi na namin maririning ang "Yati ra!", "Letseng Yawa!", "Samuka bah!", "Class, is it CLIIAAAHH?" at "Tsildren!" mo. Haaay. Mga alaala ng kinumot na bente pesos kapalit ng tissue, singsing mong pwede nang pang-Hongkong, butong pakwan, mani, rambutan, sling bag mong hanggang tuhod, at yung paghahanap mo sa salamin mo na nasa taas lang ng ulo mo. Iniwan mo sa amin sir ang katagang BOREKAT. Nakasanayan na tuloy namin. Haay. Kabuang ra. Naririnig ko na tuloy yung tawa mo.

Ayan, may mga bagong-dating sir. Alis na ako. Kanina na rin kasi ako dito. Isipin pa nila gahaman ako. Sinosolo ko ang sahig. Ingat sir. Halata naman siguro talaga na mamimiss ka namin diba? Hindi ko na maririnig ang tawa mo. Pero alam ko, balang araw magkikita rin tayo. Sige sir, hanggang sa muli. Salamat sa lahat.


Nagmamahal,
Barager


No comments: