Isa na marahil sa pinaka-weirdong bagay sa akin ay yung pagsusulat sa kamay. Yah, yah. Baka may magkontra. Kesyo di lang ako ang ganon kadamak. Alam ko madami tayo, pero wala na sigurong mas malala pa sa lagay ko.
Marahil nagipon-ipon na lahat ng tinta ng mga lumipas na taon sa utak ko kaya nagkandaipon-ipon na rin ang lahat ng kaungasan sa akin.
Kung tatanungin niyo ang pinakamamahal (at pinaka-depressing) kong roommate na si Norl, sasabihin niyang highlight ng nakaraang linggo ang aking... *drumrolls* BANGS. *nakakabinging katahimikan*
Yah. Yah. Hindi ka nagkamali sa pagbasa. May bangs na po ako. *"EEEEEEEEEEW!"* Parang nadidinig ko pa rin ang mga halakhak ni Bebang at Idoy nung makita nila yun. Bumabalik sa alaala ko ang di maipintang mukha nina Bayani at Paola habang pinipigilan nilang matawa nung Saturday. Parang umiinit na rin ang ulo ko dahil naaalala ko ang bwisit na kanta ni Earl! (Balik freshness, balik bangs, BANGS..) Grr!
Ano ba kasi talaga ang pumasok sa isip ko at napagdesisyunan kong magmukhang iskoba. Pagkalipas ng ilang araw na pag-iisip, narealize ko na YUN NA NGA! Ang mga INK!
Talaga ngang INKBLOT event yun. Hindi ko kasi mahanapan ng logical explanation ang nangyari. Eh kasalanan ko ba na paggising ko, una kong nasilayan ang pink na gunting ni Norlene na kumikislap sa sinag ng araw? Nang magising na ng buong-buo ang aking kamalayan, wala na! Isang siopao na naka-wig na ang nakita ko sa salamin. Waaaaaaaaaaah! WHAT HAVE I DONE!?? *echo, echo, echo*
Pero wala na talaga akong magagawa. Hindi ko naman pwedeng guntingin yun lahat kasi sa BUMBUNAN ung ugat ng bangs na yun. Gusto niyo ng idea? Parang hairstyle ni SUSY and GENO (ung mga mascot ng SUSTAGEN) nung nasa grade school pa tayo. Haaay.
Bakit ko pa kasi naisipang cute ang hairstyle ni Inoue Mao! Lechugas. Kaya heto, nagtiya-tiyaga na lang ako sa kakayahan nitong headband na tag-eight pesos na nabili ko sa Jade Bookstore. Ok lang kahit parang panahon pa nina Lucita Soriano ang design niya, at least matatago yung karumal-dumal na bagay na dulot ng sobra-sobrang supply ng ink sa utak.
Note: Di ko kilala si Lucita Soriano. Narinig ko lang yang pangalan niya. Siguro ito yung screen name ni Ma'am Villarin. hekhekhek. Peace kuya zaid!

No comments:
Post a Comment