Miles left me a message. She's my classmate 5th year high school Lispher Section of DCNHS. Hehehe. Nakakatuwa dahil nagkwento siya tungkol sa kanyang professor na masarap daw ipalapa sa aso.
PROFESSOR daw. Biglang may nag-alarm sa utak ko. Tsk, tsk. Naisip ko lang, wala yang prof nya sa prof namin sa Introduction to Political Science! Sa sobrang terror pwede nang terrorist! (har, har) Bitaw. Sa tanang buhay ko, wala pa akong teacher na ni-label na terror. Aba! Sanay na yata ako sa lola ko. Pero maygad! Siya palang. As in siya PA LANG ang prof na matuturing kong ganyan. *shivers* Hanep talaga si Ma'am!
Grabeh. Pipigain talaga ang neurons mo pag magpapa-quiz. Sobraaaah. Nung una nga, ok lang siya sa akin. Maganda kasi ang score ko nung first quiz namin. 95. O diba? hehe. All praises gud ako sa kanya! Hindi ko pa nga maintindihan kung bakit siya isunusumpa ng ibang kaklase ko.
Yun pala, apat lang kami ang nakapasa. Lahat 53-73 ang grade. Hanep. Ok lang talaga siya. Natutuwa pa nga ako kasi ESSAY mga quiz niya. CHICKENFEED.
Kaso nung second quiz na namin. Toink! Nakain ko na lahat ng ka-manok-an pinansasabi ko, di ko na kinailangan pang mag-lunch! Hanep! As in! Whooooo! Ang ganda ng grade ko!
Matapos mabalahura ang aking buong diwa at kaisipan, isang nangingislap na 65 lang ang nakuha ko! Wala talagang nakapasa kahit isa sa quiz na yun! At kanina, exam namin. Hwaw. Naubos talaga laman ng skull ko (pati ink ng ballpen at papel ko). Nadehydrate na lahat ng braincells ko pero tsk, tsk. Malabo talaga.
Ganyan talaga yun, matapos mong halungkatin ang bawat sulok ng utak mo, bibigyan ka lang ng grade na mas mura pa kesa sa pamasahe nung 1997. Tsk. tsk. Kaya nga heto, binubuhos ko na lang ang frustrations ko sa internet. hehehe. Medyo ok na nga ang mood ko kasi binalik yung seatwork namin kanina. Napalundag (literal) talaga ako sa tuwa sa score ko. 83! O diba? Madami daw bumagsak. Ewan ko kung totoo. Basta ako masaya na sa grade ko.
Ganyan talaga yan, kung makakuha ka ng line of 8, pwede ka nang magpa-fiesta! Dahil kay ma'am, narealize ko ang kahalagahan ng figures.
Napag-usapan rin namin ni Miles ang cellphones. Sabi niya, sabihin ko daw sa nanay ko na nahold-up ako. Tapos yung cp ko daw ang napag-tripan. Pero malabo pa rin yun. Kahit naman siguro mga taong kweba na nabuhay nung Ice Age na walang kasing-manol sa cp ay magdadalawang-isip na kunin ang phone ko. Mga batang nangongolekta ng bote at diyaryo lang ata ang magkakainteres dun. hehe. (Para sa mga medyo naguguluhan sa mga pinansasabi ko, basahin niyo ang last 3rd paragraph ng post ko na Dyornal Kong Tagalog Part 1.. hehe. mag-plug pa ba..)
Isa pa, imposible rin na maholdap ako. Baka nga isipin nung holdaper na siya pa ang hoholdapin ko.
Malabo talaga. Sinlabo ng ideya na makaka-100 ako sa exam ni Ma'am Chan. hehehe.
No comments:
Post a Comment