Friday, April 11, 2008

Gasakit i ginawa ku


Disclaimer: Ang susunod na mababasa nyo ay isang OPEN LETTER sa LAHAT regarding sa kaguluhan na nangyayari ngayon sa North Cotabato, MOA, MILF blah blah. Reaksyon KO. Biased, one-sided. Dahil SAWANG-SAWA na ako na puro lamang side ng government ang naririnig.SAWANG-SAWA na ako sa mga sinungaling na report sa telebisyon. SAWANG-SAWA na ako sa mgamaling pag-iisip at kadalasa'y misinterpretasyon samin. NAGREREKLAMO AKO HINDI PARA SA RELIHIYON KO, KUNDI PARA SA KULTURA AT KATAUHAN KO BILANG MORO.

Nagsimula ang init ng ulo ko habang nanonood ako ng BANDILA. Ang labas kasi, hina-highlight na MILF ang dahilan ng kaguluhan. Isa pa, maling balita ang binabahagi nila sa mga tao. Ito yung ilan sa mga statements nila at yung reaksyon ko.

Sabi nila, sinakop ng MILF ang ilang baranggay sa Aleosan, Pikit, at Midsayap.
Kung hindi man alam ng iba, taga Cotabato CITY ako. Kung kaya nadadaanan ko ang mga lugar na yan sa tuwing umuuwi ako sa amin. Hindi ko alam kung alam ng mga tao subalit MAY KAMPO na talaga ang MILF sa mga lugar na to prior sa MOA issue. Ang mga kampong ito ay hindi katulad ng idea nyo ng KAMPO ng sundalo. 

Baka kasi hindi alam ng iba na ang mga "kampong" ito ay mga BARRIO mismo. Ang CAMP ABUBAKAR, na siyang pinakamalaking kampo ng MILF dati (bago ito lusubin at sirain ng mga sundalo ng  Gobyerno ng Pilipinas), ay isang  baranggay. Isang KOMUNIDAD. In short, hindi lang mga lalakeng naka-turban at may bitbit na mga baril ang naninirahan dito. May mga pamilya, bahay, tindahan, at kung anu-ano pa.

Kung maitatanong niyo, bakit nagkaroon ng komunidad sa KAMPONG iyon? Ganito yan, ang KOMUNIDAD ay ang KAMPO. Hindi lang kasi PAGBABARILAN ang alam gawin ng mga taong ito. MAY MGA BUHAY RIN NAMAN SILA. Sa totoo lang, OPTION lang naman sa kanila yung armed conflicteh. Ang prinsipyo dito: MABUHAY NG MATIWASAY, PERO PAG INAPAKAN ANG KARAPATAN, HANDANG MAKIPAGPATAYAN. Kung di yan kaya pakisamahan ng gobyerno, EH DI WAG SILA MAKIALAM.

Maganda sa Camp Abubakar. Doon WALANG MAGNANAKAW. WALANG MAMATAY-TAO. WALANG GULO. So, KELAN BA NAGSIMULA ANG GULO?

Nagsimula ang kalbaryo ng mga tao nung mga huling taon ng 1990s. Sa panunungkulan ni Joseph Estrada. Ang GRP (Government of the Republic of the Philippines) at ang MILF (Moro Islamic Liberation Front) ay nagkaroon na nang mga usapin. May mga AREAS na dineklarang NEUTRAL ZONES. Sa madaling salita, hindi ito pwede pasukin ng kahit sino sa  magkabilang kampo. Ang nangyari, PATAPOS na sana ang peace talk, eh bigla na lang sumugod ang isang infantry battallion ng Pilipinas sa neutral zone. Ayun, gulo. LUMABAG SA USAPAN EH. KAILA SILAG RESPETO?

Nakakatawa at nakakainsultong marinig na SINAKOP ng MI ang mga lugar na tinukoy. PAANO MANGYAYARI ANG PAGSAKOP GAYONG MATAGAL NA SILANG NAMAMALAGI DOON? DUH. Ambobo naman.

Sabi sa balita, mga MAMAMAYAN DAW MISMO sa lugar ang nakikipaglaban sa MILF. Kaya ang sama-sama daw ng ugali ng MI kasi nilulusob nila ang mga taong ito.
HAHA. TALAGA!? SIGURADO SILA? The last time I checked, SUNDALO ang nasa kabilang side. Aba, join forces na pala ito? Atsaka diba nga OFFENSIVE STRIKE ng MILITAR yun? Siguro naman alam nila kung ano ang ibig sabihin at kung ano ang kahalagahan ng OFFENSIVE. Tsk, tsk.

Oo nga pala, ang undying issue ng "HINDI ITO NAKALAGAY SA KONSTITUSYON NG PILIPINAS. WALA SILANG RESPETO SA BATAS."
HAHA uli. History Lesson muna tayo, mga kaibigan. Noong panahon ng mga Kastila, nasakop ang Luzon at Visayas pero HINDI ANG MINDANAO. BAKIT? Kasi, nakipaglaban ang SULTANATE OF MAGUINDANAO at SULTANATE OF SULU sa mga Espanyol.

Nung bata ako, tinatanong ko bakit wala KAHIT ISA MAN LANG BAYAN SA MINDANAO dun sa EIGHT RAYS NG PHILIPPINE FLAG. Eh sa maalala ko, 16th century pa lang, nakikipagbakbakan na ang mga taga-Mindanao sa mga Kastila. BAKIT GANUN?

Ngayon, nalaman ko na. Eh kasi, HINDI NAMAN TALAGA PARTE NG PILIPINAS ang MINDANAO.ALAM YAN NI AGUINALDO AT NG MGA TAGA-LUZON NA NABUHAY SA PANAHON NI RIZAL. Diba ngaMGA PIRATA AT KALABAN pa kung turingan nila ang mga taga-Mindanao. Equated kasi ang Mindanao sa MORO. At ang MORO, equated sa pagka-BARBARIAN. tsk, tsk. 

At nung panahong iyon, tatlo ang INDEPENDENT STATES sa ARKIPELAGO ng Pilipinas. AngREPUBLIKA NG PILIPINAS (Luzon at ilang parte ng Visayas), ang SULTANATE OF MAGUINDANAO, at ang SULTANATE OF SULU.

Oo, tama ang nabasa mo, ILANG PARTE NG VISAYAS. Kasi, ang SULTANATE OF MAGUINDANAO AY UMABOT NG PANAY. Kaya ganun. At HINDI DAHIL PARTE NG ARKIPELAGO, ay PARTE NA NG ISANGBANSA. MAGKAIBA PO YAN. REFRESH TAYO SA SIBIKA AT KULTURA NATIN NUNG GRADE 1 PA TAYO.

So ngayon, MALINAW na hindi parte ng Pilipinas ang Mindanao dati. Ang tanong, paano ito naging PARTE NG PILIPINAS NGAYON? Ganito yan, nung binenta ng mga KASTILA ang REPUBLIKA NG PILIPINAS sa mga AMERIKANO, sinali ang MINDANAO. Pero sa totoo lang, MALAKING BAHAGI NG MINADANAO ay hindi nasakop ng mga Kastila. Yung mga bahagi lamang na malapit sa Northern Coast, kung saan wala na masyadong mga Moro, ang naging pugad ng mga ibang taga-Luzon at Visayas na nag-migrate papunta dito.

Kung magbasehan tayo ng family line, mabibilang lamang sa LAHAT ng mga naninirahan sa Mindanao kung ilan talaga ang TAGA-DITO. Karamihan, taga-Luzon o kaya Visayas. So ayun, HINDI PARTE NG PILIPINAS ANG Muslim-dominated areas ng Mindanao. 

Tapos, bigla isang araw, DUMATING ANG MGA "pinuno" ng Pilipinas at naningil bigla ng mga tax, nag-impose ng mga batas nila AT NANUDYA PA SA MGA MORO. HAHA. NAKAKATAWA TALAGA. So yung HINDI NASAKOP, naging SUBJECT BIGLA SA MGA NASAKOP.

Ang SABAH, MALAYSIA ay parte ng MINDANAO pero hindi parte ng PILIPINAS. Dahil sa SULTAN OF SULU ito binigay. Sabihin niyo sakin, MAKATARUNGAN BA NA ANGKININ MO ANG LUPANG HINDI SAYO? Nagalit ang mga Pilipino noon kasi sinakop sila ng mga Kastila, ANO NA LANG KAMI NA HINDI NAGPASAKOP TAPOS BIGLA-BIGLAAN NA LANG, PARTE NA KAMI NG ISANG REPUBLIKA NA WALA NAMAN KAMING KAPAKE-PAKIALAM.

Hindi ito alam ng karamihan kasi HINDI ITO NAKASULAT SA MGA LIBRO. BIASED ang mga manunulat ng kasaysayan. 

BAKIT KO ITO ALAM? Kasi SINASABI ITO SA AMIN. BATA PA LANG AKO, ITINANIM NA SA ISIP KO NA MALAYA AKONG GUMALAW SA LUPAIN NG MINDANAO DAHIL LUPA NAMIN ITO. Hindi ko alam sa ibang pamilya, pero sa pamilya namin, IPINAPAALAM ITO. Dahil karapatan namin ito. ANG KASAYSAYAN NAMIN AY HINDI NAKASULAT SA PAPEL. NAKATATAK ITO SA UTAK NAMIN.

Marunong man kami maki-share. Hindi naman kami GAHAMAN. Nirerespeto namin ang mga LUMAD. Sa totoo lang, FRIENDS kami. Kasama namin silang nakibaka, nakimanok, nakibaboy laban sa mga Espanyol. Kaya nga nakakainsulto na bigla na lang kaming maging DAYUHAN sa sarili naming lupa. Isipin niyo yung mga magsasaka sa Bukidnon. KANILA YUN NA LUPA. Pero ang nangyari, INAGAW. At ang labas ngayon, trabahante pa sila sa mga tagapag-mana ng mga Kastila. Kewl. ASTIG NG BUHAY.

Bata pa lang ako, minulat na ako sa mundong ginagalawan ko. Sa mundo kung saan DAPAT MAKIBAGAY. LAGI KO ITONG GINAGAWA. SANAY NA SANAY NA NGA AKO EH. PERO MINSANMADALAS, NAKAKASAWA rin. NAKAKASAWA KASI. NAGPAPAKABAIT KA NA, INAABUSO KA PA. LETSE. PASALAMAT NGA PINAKIKISAMAHAN PA.

Isa pang nakakaasar yun bang pag sinabing MUSLIM o kaya ISLAM ang relihiyon, equated na agad sa MILF AT ABU SAYYAF. Gawd. 

Hindi lang PAGIGING MUSLIM ANG USAPAN DITO. SA TOTOO LANG, SIDE-TOPIC LANG YUN.KULTURA NAMIN TO. Ang mga MUSLIM na tinutukoy ay binubuo ng mga IRANON, MAGUINDANAON, TAUSUG, MARANAO, KA'AGAN at IBA PANG TRIBO. Nung panahon ng Sultanate of Maguindanao, sama-samang namuhay ang iba't ibang tribong ito. WALA KAMING PANGALAN NA PALATANDAAN SA AMIN AS A WHOLE, KASI MAGKAKAIBA KAMI AT TINATANGGAP NAMIN ANG KAIBAHAN NAMIN. YUN ANG DAHILAN KUNG KAYA WALANG NANGAHAS NA PANGALANAN ANG MGA TAGA-SULTANATE OF MAGUINDANAO NA MAGUINDANAON. Hindi rin namin pinangangalandakan at inaangkin ang pangalang MINDANAON  dahil alam naming may mga Kristiyano at Lumad na parte ng Mindanao. KUNG RESPETO LANG ANG USAPAN, ILANG DAAN TAON NA KAMING RUMERESPETO. HAHAHA.

OO. KAMI. Dahil ang MILF ay hindi asosasyon ng mga tambay na walang magawa sa buhay. Sa totoo lang, mga PROPESYONAL ang mga myembro ng MILF. May DOKTOR, ABOGADO, GURO, ESTUDYANTE, BLOGGER, HACKER, AT TINDERA SA PALENGKE. Dahil ang MILF ay hindi binubuo ng mga ARMADONG TAO lamang. ang MILF ay isang ORGANISASYON NG MGA TAO NA MERONG ARMED FACTION. Isipin niyo ang CPP-NPA na pinag-isa. ISIPIN NIYO ANG GUSTO NIYO ISIPIN.

PARTE AKO NG MILF KASI NANANALAYTAY SA DUGO KO ANG DUGONG MORO. Bakit naman ako hindi maging proud? LUPA NAMIN TO. ILANG TAON RIN KAMING NAGTIIS. Kung inirarason ng mga kongresista ang kawalan ng respeto sa konstitusyon ng Pilipinas, isipin muna nila, MAY RESPETO BANG NAGANAP NUNG GINAWA KAMING PARTE NG REPUBLIKA NILA?

Pero sige lang, marunong naman kami makisama at makibagay. DAHIL WALA KAMING IBANG MAGAGAWA KUNDI IYON. 

Taliwas sa kaalaman ng iba, hindi kami warfreak. KASI SA TOTOO LANG, KUNG PAGSAKOP LANG DIN SA PILIPINAS ANG USAPAN, KAYANG-KAYA NAMIN GAWIN YUN. KAMI. Yung mga MORO na ALAM ANG MGA NAGAGANAP.

ISALI NIYO NA AKO. KUNG YAN LANG DIN ANG MAGIGING PARAAN PARA MAWALA ANGMASASAMANG TINGIN AT MGA HINALA DAHIL LANG "MUSLIM" KAMI, BAKIT HINDI? 

KAYA KONG IWAN ANG ATENEO. HINDI PA BA SAPAT NA NAKIBAGAY KAMI SA PAMUMUHAY NG MGA TAONG HINDI NAMAN TALAGA TAGADITO SA LUPA NAMIN? TAPOS SA KABILA NUN, KAMI PA TONG LUMALABAS NA MASAMA?

ISIPIN NIYO, KUNG GULO ANG HABOL NG MGA MUSLIM, SANA MATAGAL NANG UBOS ANG POPULASYON NG MGA HINDI MUSLIM SA MINDANAO. DUH.

Sa totoo lang, KALOKOHAN ANG ARMM. Bakit? Kasi ginawa ito, pero sino naman ang mga nilagay sa puwesto? PURO MGA TUTA NG GOBYERNO. KAYA NGA PURO KORAPSYON! KAYA NGA KAHIT MAYAMAN ANG ARMM SA LIKAS NA YAMAN, MAHIRAP PA RIN ITO.

Kung maisasakatuparan ang planong ISLAMIC STATE, ang batas na susundin ay ang batas na sinusunod sa mga bansa sa MIDDLE EAST. WALANG HUTHUTAN NG PERA. SASAGANA PA ANG Mindanao. O, nagbanggit ako ng Middle East, terorismo na naman ang pumasok sa isip ng iba. Haha. Sige lang. Bahala kayo.

Bahala na. Isinasambulat ko na ang sama ng loob ko sa lipunang ito. LIPUNAN NA NAKATAYO SA LUPA NAMIN. NAMIN. INAANGKIN KO. KASI AMIN NAMAN TALAGA.

Hindi naman ako reklamador diba? Marunong din naman ako makisama diba? PINIPILIT ko ngang makisama minsan. Nakikipagsabayan sa mga biro. Kahit na minsan nakakainsulto na sa relihiyon at kultura ko, pero sige lang. Tawa lang. Para hindi masira ang joke. INTINDIHIN ang mga hindi nakakaalam. MAKIBAGAY LANG.

Pero alam niyo, sa totoo lang...

NASASAGAD RIN ANG PASENSYA.

No comments: