Volunteers ang mga IS-Asian sa International Conference on Gender, Conflict, and Development. At sa ngalan ng pagvo-volunteer, napilitan ang inyong lingkod na pumunta sa Autoshop ng naka t-shirt, jeans, at tsinelas para samahan ang mga foreign delegates na gustong mag-party.
At ayun na nga. Sinolo ng mga delegates ang buong smoking area ng Autoshop (kahit hindi naman sila nagyo-yosi) para lamang magsayawan. Nakakatuwa silang pagmasdan.
Pero ang mas nakakatuwa - dahil ngayon ko lang napag-alaman - ay ang mga impormasyong nakuha ko sa net tungkol sa mga "naka-gimik" naming delegates.
Mahirap isipin na ang mga nakasama ko kani-kanina lang sumayaw ng Don't Cha, Buttons, at Beautiful Liar ay mga kilalang personalidad sa kani-kanilang mga bansa. May abogado, may law student sa Yale University, may Head Researchers sa iba't ibang agncies, at may mga FOUNDING MEMBERS ng mga NGO.
Waw.
..
...
.....
.......
.........
.......
....
...
..
Hindi pa rin ako nakakarecover sa aking pagkagulat. =))
No comments:
Post a Comment