Tuesday, April 28, 2009

Amin O Hindi?


Eh kasi nga raw risk taker daw ako eh. Eh kasi daw ang galing-galing ko daw dumiskarte nang patago. Eh kasi nga malakas loob ko at masyado akong sabog.

Eh bakit kung kaya ko naman pala itaya yung first time kong pagsakay ng eroplano at first time na paglabas ng bansa para sa oportunidad na to eh di ko man lang kaya umamin sa kanya? Sa kanya na nagawan ko ng tula, nagawa kong ipa-announce ang pangalan sa sound booth nung intrams, nagawan ko ng mahigit tatlong blogpost, at nagawa kong maging crush muli kahit na nawala siya sa sistema ko nang limang buwan?

Oo nga, bakit nga ba hindi ko maamin sa kanya? Eh madali lang naman yun diba? Simpleng "oi, type gud kita. Tagal na. Um, mga last2x sem pa. Nawala lang sandali pero bumalik na naman. Hep, hep... Wag ka muna magsalita. Aalis na ako. So hindi mo ako makikita nang matagal. Pero bago yun, amin muna ako sa'yo na type kita. At dahil naamin ko na, okay na ako. Ikaw na ang bothered nye nye nye nye..."

GANUN DAW BA YUN KADALI?

Oo ui. Adik man ako. Kaya ko yan gawin. Pero kaya ko lang yan basta di niya alam na ako yung nagsasalita. In short, di ko talaga kaya. Haha!

Dalawang risks. Pero dun sa kanya, walang kasiguruhan. Bakit? Yayaman ba ako kung sasabihin ko sa kanya na crush ko siya? Hindi naman, diba? So yun. 

TSAKA, CRUSH LANG YUN. 

(eh bakit ka affected?)

Eh kasi nga adik ako. Affected ako sa kahit ano. Kahit sa Global Financial Crisis.

---

Niwei, sa uyab nako na nihilak karong gabii (April 28 2009). Ayaw hilak. Daghang magselos. HAHAHAHA! Pagbalik lagi nako kay hatagan takag sagbot gikan didto. Di pud ko mingawon sa DoTA kay live-action ang DoTA didto. HAHAHA! JOKE!


No comments: