Sunday, April 26, 2009

AY LABYU SENG :D


Kung maaari ko lamang ihanay ang mga tala para mabaybay nila ang salitang "SALAMAT", ginawa ko na. Magnanakaw ako sa ibang constellation at dadagdagan ko ang mga bituin sa Orion's Belt. Hindi para isabay sa uso kundi para sa tuwing titingin ka sa langit, isang kumikislap na ESENG ang makita mo.

Itotono ko ang dagat hanggang sa umawit ng mga kantang papuri ang mga alon para sa iyo. Ipapa-workshop ko sa music school ang mga salagubang, lamok, at palaka upang masabayan nila ang orkestra ng dalampasigan at hanging amihan. (Isasali ko na rin ang mga alitaptap para may visual effects)

Pipilitin kong magdiet ang mga baboy at gagawin kong vegetarian ang mga pating. Paliliparin ko ang ostrich at palalanguyin ko ang mga baka. Ako ang magpapasimuno ng ceasefire sa pagitan ng ipis at tao.

Magsusulat ako ng himala, at mag-aabang ako ng libro. Babaliktarin ko ang bokabularyo para maging ESENG na ang salitang THANK YOU.

Kulang pa nga iyan eh. Kasi sa totoo lang, di ko alam kung paano ako magpapasalamat sa iyo.

Sapat na ba yung panata ko na mamahalin kita habang buhay? :)

---

THANK YOU seng. I WILL NOT FAIL YOU. =)


No comments: