Friday, June 23, 2006

Dyornal Kong Tagalog (Part 1)

Bwahahahahaha..

Ang bait kong bata! Whoosh! Nag-aaral na daw ako ngayon nang mabuti. Tapos umiyak daw ako nung isang araw kasi mababa ang score ko sa quiz namin sa Philippine Foreign Relations. Mataas daw ang score ko kanina sa Philippine Constitution. Nasagot ko pa yung bonus question. Sabi rin ni Ma'am LY sa Journal ko "nice use of language". Tapos, natutuwa raw sa akin yung teacher namin sa Theo 21. Nyahahahahahaha..

Bwahahahahaha! Ang buti kong bata! Mahal na mahal ko ang sarili ko. Pero di ba nga, wala namang mas magmamahal sayo higit pa sa sarili mo? Atsaka hindi naman masamang magbuhat ng bangko paminsan-minsan kasi minsan lang naman talaga yun. At sa kaso ko ngayon, magpapakahangin ako hanggang kaya ko! Ang magkontra anak ni crazy frog. Wala kayong magagawa, blog ko to. hehe..

Gusto ko sana isulat ito lahat sa JOURNAL ko kay ma'am LY pero baka malaglagan yun sa sobrang haba nang mga ipansasabi ko. Dito na lang diba? Tutal, libre naman mag-net dito sa lib.

Ang yabang ko talaga. hahahaha. Feeling ko kasali na ako sa SSESEC (Social Science and Education Student's Executive Core Group). Wahahaha. O diba? Ang totyal ng pangalan. Tapos, feeling ko rin kasali daw ako sa Social Signs Reloaded. Hyuk, hyuk. Ang taas talaga ng mga pangarap ko. Okay lang rin kasi minsan ka lang namn mangangarap nang ganun. Tsaka hindi masama mangarap. Kapag di ako matatanggap, ayun! Dito na rin ako magsi-sentimyento. hehehe.. sorry readers.. (wehehe.. as if meron..)

Uu nga pala! Sabi ni ma'am LY, OC (Obsessive-Compulsive) daw siya. Ako rin. Lalo na pag may bago akong crush. Wahahaha! At sa kaso ngayon, meron na naman. Okay na sana pero may mga "ubstakul". Haaay ewan ko ba. May mga kumakalat diyan na mga balita na ewan ko kung sino nagpauso. hehe. Kasi ba. May tsismoso dyan na Psychology Student na rainbow colors ang contact lens. hehe.. Nagulat na lang ako. Aba ha! Baka.. Gusto mong sabihin ko na may inihahatid-sundo kang girl na nasa wallpaper ng cellphone mong Motorolla na ubod nang nipis? Pero, buti na lang mabuti ako kaya di ko yun ipagsasabi.Olrayt KUYA? hehehehe.. (parang ayoko ata magpakita sayo nang isang taon)

At siyangapala ulit. Sorry dun sa katarantaduhan ko sa bulletin board. Wala lang akong magawa. hehehe. Peace y'all dudes! <---- (hahaha.. linya yan ni DL) Hala DL! Wala akong load. Sa kung sino mang makakabasa nito (kung meron man), paki sabi sa lahat na wala akong load ngayon. Atsaka, di ko muna gagamitin ang talented kong cellphone. Medyo nagmamayabang na kasi siya porket kaya niyang mag-exhibition. Aba! Hinahamon ako! Bigla-biglang naga-fade, dissolve, strip, at nadi-distort ang LCD! Hanep! Parang MS Powerpoint Animation Scheme! Ayon sa kalkulasyon ko, kailangan ko pa siyang ibalibag ng limang beses sa pinto, tatlong beses sa dingding at isang beses sa mukha ni Crazy Frog para tumino-tino naman. Kaya para sa aking masusugid na fans, SORRY. THE SERVICE IS UNAVAILABLE AT THIS MOMENT. TRY AGAIN LATER. Hehehe. Kung gusto nyo nga pala akong mahagilap. Lagi lang ako sa lib after classes. (MWF 2:30-5:00 ~~~ TTH 4:30-6:00) Schedule may change depending on immediate mall tours and pictorials. hehe. Pag wala ako sa lib, ibig sabihin, may meeting ng lola nyo. Wahahahaha! Char au. PS (tsar! may paPS-PS pa) Busy ako sa pagta-top score ng brick game ni Norl kaya unavailable rin ako pag nasa bahay ako. Yun lang. Layas na ako. Nagpabell na dito si Sir Bascon. Baka sipain pa niya ako habang bumibirit siya. Hanggang sa muli! *Shine my only star..*

No comments: