Thursday, June 29, 2006

Dyornal Kong Tagalog (Part 2)

Aba! Nakaka-asar. Walang naga-comment dito. Grr.. Sana man lang may isang lasing o kaya kalunus-lunos na nilalang na magtingin man lang sa blog na to. huhuhuhu..
Whatever. Siyangapala, nabasa nyo na ba yung THE CATCHER IN THE RYE? Wow! Basahin nyo. Maganda! I-search niyo muna sa Wikipedia kung nagdadalawang-isip kayo basahin, baka sakaling magustuhan niyo kapag nalaman niyo ang mga kontrobersya nun. Ang galing ni JD Salinger! Whoohoo! Nakakatuwa si HOLDEN CAULFIELD.

Nakakatuwa rin si Kokoi. Mayroon na naman akong bagong biktima. Tinuruan ko siya maglaro ng PANTS at BITAY. Naku! Di ata kompleto ang buhay ng isang tao pag di yan nalaro. hehehe. Nakakatuwa. Sana magkaroon kami ng second match sa Friday. BWAHAHAHAHAHAHA!

Wahahay..

Andito na naman ako sa pinakamamahal kong lugar sa buong Ateneo. Ang lib. *bow* Hindi na nagulat si Manong/Sir/Kuya Internet Access Card nung sumulpot na naman ako sa office niya. As usual, mag-iinternet na naman ako. Haaay.. Wala na talaga akong magawa. Pero dapat rin itong simutin diba? Aba! Pinakamataas atang binabayaran ang Technology Achuchu dito sa school. Sayang naman yung binayaran kung di rin gagastuhin diba?

At kung di rin naman ako isa't kalahating tanga, iniwan ko lang naman ang wallet ko sa bahay. Sigurado, kakapal na naman ang mukha nung tokador ko kasi nagkaroon siya ng pera. Mabuti na rin siguro yun para hindi ako masyado maka-gastos. T.T

Bad trip. Isang linggo ko na siyang di nakikita! Waaaaaaaaaah! T.T err.. well, di naman talaga isang linggo, pero parang ganun rin yun noh! Nakakainis! May orientation kami para sa AISSO pagkatapos nito. Wala ring kwenta. Mag-eelect lang naman yan sila ng officers. Nonsense. Balderdash! Hahahaha.

Nadidinig ko na ang kaluluwa ng kampanilya ni Sir Bascon. Kumakalembang. Parang gusto akong sipain paalis dito sa upuan. Di pa nga ako umaabot ng 1 hour! T.T

Aalis na nga rin pala ako para sabihan sina Iris tungkol sa nakahandang kahihiyan este audition nila mamaya para sa SSEDUCT. Lipad na ako! Wahahaha!

No comments: