Minsan talaga may mga taong wala nang magawa sa kanilang mga buhay kung kaya't naisipan nilang mag-imbento ng kung anu-anong paek-ek. Isipin niyo, sino kaya ang unang nakaisip ng blogs? Ano kayang pumasok sa utak niya at naisip niya yun. Pero eetdazzntmatterenimor kasi marami namang nagagawa ang blogs sa panahon ngayon.
BLOG-hopping. Uso na yan. Gustung-gusto yan gawin ng mga taong walang magawa, mahilig makialam, mga joiners, mga plagiarists, mga net geeks, at mga mahilig manlait. At sa tulad kong walang magawa, mahilig makialam, joiner, plagiarist, net geek, at mahilig manlait; FAVORITE HOBBY na yan. Isa sa mga masarap tripingan ay ang mga blogs sa friendster. Madami na rin akong napuntahang blogs. Lahat may kanya-kanyang pauso. Lahat may unique trait. Sa dinami-dami nila, kayang-kaya ko na silang i-classify. Para sa mga atat, mapanlait, at hindi tinatamad magbasa ng mahabang post, etong para sa inyo.. [Cue: insert rising of the curtain here]
Dalawa ang major classification. Base sa time at content.
TIME
Guiness - ito yung mga blogs na annual ang event. Once a year lang magkapost. Parang World Book. Yun bang mga tipo na ang mababasa mo sa first entry: "PASUKAN NA!" tapos yung second entry "BAKASYON na!" Hahahahaha! Hanep. Minsan nga naiisip ko siguro caveman siya tapos isang beses lang siya sa isang taon lumalabas ng kuweba. Pero malay natin, baka busy sa studies. O kaya wala lang talaga siyang ma-share. hehe.
Daily Memos - ito ang kabaliktaran ng mga Guiness. Kung yung una isang beses lang sa isang taon, ito, araw-araw.
Day 1
"grabeh, napagod ako ngayon. nakakapagod mag-aral."
Day 2
"ok lang araw ko ngayon."
Day 3
"makainis ang araw ko ngayon."
Day 4
"masaya ang nangyari kanina."
Yan ang madalas na nakalagay sa post ng mga Daily Memo Peeps. Parang time record ng mga ginawa nila na kung tutuusin ay wala namang kakonek-konek sa diwa ng blogs.
Special Occasions - ito yung mga every now and then lang magpost. Hindi araw-araw pero hindi rin once a year.
Dalawa ang under dito, una yung mga taong minsan lang magpost, pero puputi na ang mga buhok mo sa ilong bago mo matapos basahin ang post niya. Hanep sa haba. Parang nobela. Hintay ka lang, may sequel pa yan.
Yung pangalawa naman, parang kalendaryo ng mga events. "Merry Christmas!", "Happy New Year!", at "Happy Valentines!" lang ang lagi mong mababasa. Para bang kelangan niya talagang ipaalala sa mga tao sa paligid ang tamang araw ng mga holiday.
CONTENT (tanananan! hehe..)
Photo Ops - ahahaha! eto na! ito yung mga site na pag napasukan mo, magdadalawang-isip ka kung blog ba talaga o hindi. Puro mga litrato ang laman. Parang photo album.
Click-a-link - ito naman yung tipong mamamaga ang mata mo kasi puro naka-underline ang text. Mga blogs na links ang nagpaliit sa scrollbar.
Incremental Publishing - sikat na sikat ang mga blog nila sa search engines. Punung-puno kasi ng mga quotes, forwarded e-mails, kanta, at chain messages. Talo pa ang libro.
Keyno at Keyna Kuwno (KKK) - "this are the peoples who used english but theirs is a gramatically and logically incorrect in sentences patternization and vocabulariez. They also usualy having wrong spelings in there sentenceses. They thinking englis good for them but are they looking totaly stoopid in eye of every body one." hahahaha! Buong buhay kong pinipigilan ang sarili kong mag-iwan ng comment na "Managalog ka na lang kaya?" sa blogs na ganito. Karaniwang mga social climbers na utak kalabasa ang may-ari ng ganitong blogs.
Coños - yOu kNoe deYre liKe paRang da peopLe hU maKes poSt in haLf-taGalog aNd haLf-aLien liNgo. deY pUt kiNda lyK caps-loCk2 pRa tHere is sTyle kuNo 2 tHeir bLogs. When yOu maKe basa deYre bLogs, yOu're gOnna maKe sira yoUr maTa aNd yOur saniTy.
Sentis - puro tula at kanta ang mga post nila. Talo pa si Pablo Neruda kung mag-emote. Mga sawi sa pag-ibig ang mahilig sa ganitong style.
Pauso Pipol - ito yung mga tao na mahilig magpauso. May mga survey-survey at tags2 pang nalalaman. Ito rin yung mga ONE-LINER lang kung magpost.
Column Writers - sila ang bumubuhay sa totoong diwa ng blogs. More on perspectives. Minsan-minsan lang magpost pero solb. Matutuwa ka dahil NAKIKILALA mo sila. Nag-e-english pero hindi tulad ng sa mga KKK at coños.
Philosophers - TOINK! mga puro reklamo at katanungan lang ang mababasa mo sa mga blogs nila. Puro bakit. Bakit ganito ang sistema ng bansa, bakit ganito ang mga pinoy, bakit ganito ako, at bakit ganito ang mga blogs. hehe. Bakit kaya?
Maraming blogs na nagsusulputan sa mukha ng Internet. Walang blog na hindi kasali sa classification. Meron ding mga blogs na combination ng ilan diyan. Ako, alam ko kung anong uri ng kabulastugan ang blog na to. Eh ikaw?

No comments:
Post a Comment