Saturday, August 16, 2008

Bakit Masaya Ang Fiesta Ngayong Taon


Masaya ang Ateneo fiesta dahil sa mga sumusunod na bagay/pangyayari:

* SSE Level-up. Iregards ko sa bongga na props (yey! galing ng ssesec!), sa mga maiingay (at makukulit na second year), sa mga drum (meron na rin kami niyan!), sa mga awards na napanalunan (hindi lang pang-utakan, pang-sports pa. haha!), at sa pagiging UNITED (for the first time) ng iba't ibang programs. *throws confetti*

* Henna Tattoo. Oh yeah! Dahil nagdinamak ako at ginawa kong malaking canvass ang aking balat at dahil MAY PORSYENTO KAMI SA KITA NG AMING PAGHE-HENNA. Cheers!

* Music Booth. Dahil nagkakwenta lang ito sa akin sa last day. Kasi last year ko na rin ito kaya todohin na. hehe.

* Mga people (?) sa ATENEWS. Haha! Dito, masayang tumambay (at maglinis). Dito suportado ang bisyo. May libreng lysol, baygon, at glue. Dito, hindi imposible ang magwalis gamit ang DUSTER. Dito ang lungga ni Angelina at ng mga taong GUSTO MAG-YOSI DAHIL ISANG BUWAN NA SILANG HINDI NAKAKAYOSI KAYA NAPILITAN SILANG MAGYOSI ULI KASI NAKAKAMISS ANG PAGYOYOSI. Andito sina Master Po, MARYAMercedes, Br***y, at Betty Boop. Kaya yaya, you take off my itchy clothes na.

* Mga camerang Canon na naglipana. Walang ganyan sa bukid namin. Kaya salamat sa mga nagpahiram. Kina Kuya Hao, Kuya Sonny, Paouwee, at Ryan, tsalamat sa pagpapaextra sakin. hehehe

* Kasi dumating si Ubal. Yey!

* Kasi outstanding students ang mga friends ko. hehe.

* SAS United. Oo. UNITED (na) KAMI. HAHAHA. Congrats sa mga awards na napanalunan ng mga Division sa SAS. Hindi pa kami masyadong gising sa lagay na yun ha? Naalimpungatan pa lang. Humanda next year! BWAHAHAHA! [Hindi ko alam sa iba pero ansarap pakinggan na sinisigaw ang SAS. Nakakatuwa. Nakakatouch. Nakakaiyak. Or siguro, adik lang talaga ako. Haha!]

* SodlzKujpCeceu. Sa mga naka-DOTA ko gamit ang pangalang ito, alam niyo na kung bakit ako natutuwa dito. HAHA. =))

No comments: