Jennifer Joyce Deromol Namis, CPA
Kahit na hindi tayo nakapagpicture-taking nung graduation, hindi nakapanood ng T2 (na walang kasing-jologs), hindi nakapagbike sa Marfori, at hindi nakapag-house-to-house sa mga kakilala...
Kahit na pinepressure kitang sumagot ng Note sa Facebook sa kalagitnaan ng iyong pagboboard at mas inuuna mo pa ang pagdi-DVD marathon kesa pagre-review...
Kahit na separated tayo by time and space at sa google search engine ko lang nakita ang results dahil blocked ang blogspot dito kung kaya't hindi ko nakita personally ang listahan...
Kahit na pinagtripan ko ang picture mo para di mahalatang pinicture-an lang gamit ang webcam... :))
Sa ngalan ng dose-dosenang botelya ng Sparkle na tinungga natin sa tindahan ni Aling Flory, sa mga naudlot na Chowking moments, sa mabibigat na barya at gula-gulanit na salaping papel na pambayad kina Manong Driver, sa alaala ng mga starfish, purok leader, paglusong sa baha, bughaw na langit, McDo, liham na pang-ninja, paglalakad mula Obrero hanggang Gmall, unlimited sun-to-sun text and calls, at mga awitin ni Katy Perry...
Para sa kaUNA-UNAHANG Certified Public Accountant ng
Ateneo de Davao University Batch 2009...
CONGRATULATIONS ENEMY!
No comments:
Post a Comment