(bwisit ka!)
Sana hindi mo na ako nginitian
Hindi ka na lang sana kumaway
Eh di sana hindi pa tayo magkakilala
hanggang ngayon
Para sana hindi lang ikaw ang laging bida
sa panaginip ko
(swerte mo, gago ka!)
Napansin lang naman kita
kasi matalino ka,
mabait, masaya kausap...
ideal guy kumbaga.
(animal ka!)
Ayoko nang maghabol sayo
Hindi ko gustong makipila
at lalong ayokong makisingit sa milya-milyang
linya ng mga nahuhumaling sayo
Nakakasawang isipin ka kapag
wala na akong ibang maisip
(pakshet ka!)
Pang-labinsiyam ko nang shot 'to!
tinamaan na ata ako,
(sayo)
halata ba?
Natanggap mo ba yung text ko?
Sabi ko,
"type kita pero ayoko na!"
Ngayon lang malakas loob ko.
Bukas pag wala na akong hang-over
dapat wala ka na rin sa sistema ko.
(p*tangama mo!)
Bahala ka
kung iisipin mong bitter ako.
Mumurahin kita
hanggang kaya ko...
Mumurahin kita hanggang kaya ko
pang papaniwalain ang sarili kong di kita mahal
Umalis ka na bago pa
bumalik ang katinuan ko at
makalimutan kong dapat na akong sumuko sa'yo.
Sige na,
hinihintay ka na ng boyfriend mo.
No comments:
Post a Comment