Wednesday, November 22, 2006

Sigaw

I am now officially proclaiming this post to be an avenue of angst and hate.

ROLL VTR!

The Plaintiff: ABIS-ASST REGULAR 2nd Year Students
The Defendant: Scooby Doo, International Studies Head
The Case: (to be narrated in a pitiful way) Tagalog para emo. Hehe.
Ehermm.. *clears throat*

Ganito lang naman po ang nangyari. Last sem, sobra 40 kami na IS students. Nang dahil sa pinakamamahal naming si Ma'am Chan na talaga naman palang sinadyang ilagay ng Division para makulangan kami, natapyasan ang 40 at naging 20+ na lang. 13 na lang ang natitira sa Asian Studies at hindi ko sigurado kung ilan yung natira sa American. Madami sa amin ang na-forced to shift. Kaya nga laking tuwa ko nung malaman kong pasa ako. Waw. Grabeh. Nakapitong absent na ako, pasok pa rin! Hahahaha!

Matapos kong makuha ang aking grade at malaman na ito pa rin ang kurso ko, nakahinga na ako ng maluwag. Hindi pa pala dapat.

Ngayon, kada-TTH ang mga major namin. Si Ma'am Banal na guro namin sa IPE ay kinausap ng panot na si Escubido na kung sana ay i-merge na ang klase namin sa kanya sa klase ng American Studies. Ayos na sana ang lahat sapagkat 11am ang schedule at walang masasagasaan.

Ngunit, biglang may sumingit. May tatlong IRREGULAR students ang gustong makisawsaw sa aming schedule. 3rd year na sila. Nabagsak sila kay Billiones nung isang taon kung kaya't kinailangan nilang umulit. Ok naman sa amin kahit maki-join pa sila. Ngunit, mukhang kinareer na ata nila. Nagreklamo sila kay Escubido na MASASAGASAAN daw ang isang major subject nila kung matutuloy ang 11am na schedule. Dahil dun nag-usap sila na ilipat na lang ang oras sa 5:50pm kada MWF.

Dito na ngayon nagsimula ang problema. Meron kaming PE tuwing Miyerkules, 5:50 ng hapon. Kapag natuloy ang "proposed sked" ng mga irreg, masasagasaan ang PE namin. Kinausap namin si Escubido tungkol dito at ito lang naman ang sinabi niya:

Escubido: You talk to Ma'am Ribble (PE coordinator) to look for another schedule. If not, you have to drop your PE 4.

Whoaaa! Mukhang hindi na ata ito patas. Una sa lahat, bakit kailangan naming isakripisyo ang PE namin para sa IPE na kung tutuusin ay wala naman kaming problema sa simula? Kapag na-drop ang PE4 namin, 2nd sem pa next year namin ito pwede kunin. At magiging IRREG kami! Magsisimula na rin ang mga THESIS next year. Kapag naging IRREG kami, malaki ang pagkakataon na maibagsak namin iyon! UNFAIR naman ata yan! Pinagpaguran namin ang kalagayan namin ngayon tapos ganyan-ganyan na lang? Ilang gabi rin kaming kulang sa tulog para lang maipasa ang lahat ng subjects namin at ma-maintain ang REGULAR status tapos bigla nalang ganito? Aba! Bakit kailangan naming magdusa sa bagay na wala naman kaming kasalanan?

Sabi pa ni Scooby: I can't sacrifice the other three. Because masasagasaan ang majors nila. Kayo eh, PE LANG.

Teka, teka, teka. ANO NAMAN NGAYON KUNG MASAGASAAN SILA? Kami pala? Hindi naman namin kasalanan na ma-irreg sila ah? Dapat tanggapin nila ang kabayaran ng mga kapalpakan nila. Bakit kami ang sasalo? Matapos naming paghirapan ang kinalalagyan namin ngayon, talo pa pala namin ang mga irreg?! Aba, hindi ata tama yan! Atsaka, TATLO lang sila. 20 kaming MASASAGASAAN dito. Kung i-imply pa ang cliche, MAJORITY WINS dapat. Nararapat bang isakripisyo ang kalagayan ng KARAMIHAN sa kapalpakang ILAN lang ang may kagagawan?

Matagal na itong isyu. Madami na rin kaming klase na pinagpalit ng schedule. Aba, sobra na ito. Masyado naman atang mabait ang section namin? Kung pinoproblema man ng Division ang isusweldo kay Ma'am Banal para sa tatlong klase, aba! Nagbayad kaya kami! Nag-enroll kami at umasang magiging maayos ang lahat ng aming pinaghirapan. Hindi dapat ganito ang mangyari. Napaka-unfair.

------------
Bad trip na bad trip talaga ako ngayon. Hindi naman masyadong obvious noh? Parang gusto ko tuloy hagisan ng lata ng Lactum ang Escubidong iyon. Mukha siyang kulubot na okra. Grr..

2 comments:

Anonymous said...

huwaw!.. welga welga welga!!

tina said...

ano ba naman yan! unfair!! san na ang justice?

anyway.. hope everything will be well :)